Highfiber 0.0

1,119 users, 381 threads, 1,303 photos, 858 videos.

Forums » Weird Threads » Mga Larong Pinoy sa METRO

boogieman's avatar

contributed by boogieman, 3 months ago
0 pats 0 pokes 3 comments 586 views

Paumanhin kung nasa maling kategorya ang aking batang pagsulat.
-----------------------------------

Noong kabataan ko mahilig ako maglaro ng kung ano anong laro, mapa patintero man o tumbang preso,mapa baril barilan man (tugshoo tugshoo) o mapa hide and seek. Hindi ko akalain na lahat ng larong ito ay applicable pala sa pang araw araw na buhay dito sa Metro.

Nang una akong mapasabak dito sa Metro para akong isang pusang niligaw sa kalye. Hindi ko man alam ang pasikot sikot neto. Minsan sa katangahan ko, bumaba ako ng santolan annapolis station sa pagiisip na ako'y napadpad na sa santolan na malapit sa Antipolo. Nang unti unting mawala ang kaba ko sa paglilibot sa Metro sari sari ang laro ang nakikita ko araw araw, minsan pa nga'y nasasali ako sa laro nila. Una kong larong nakita ng mga batang taga metro ay ang habulan sa Gateway.

Nang naglalakad ako sa loob ng Gateway papuntang MRT ay may isang mamang muntik ng bumangga sa akin dahil sa tulin ng kanyang takbo. At sa buntot ng mamang matulin tumakbo ay isang clerk ng isang electronic shop at dalawang sekyu na bumubulong sa kanilang itim na mga radyo habang hawak hawak nila ang kanilang batuta. Nais ko sanang sumali sa laro nila ngunit hindi naman ako imbitado. Kaya ako ay nagpabaya nalamang at dumiretso sa aking paglalalakad patungo ng MRT dahil ako ay late na sa trabaho.

Isa pang laro na nakikita ko at nararanasan sa pang araw araw ay ung trip to jerusalem sa loob ng boos. Ay opo, marami pong pagkakataon na ito'y nangyayari sa akin. Dito sa larong ito ay marami kayong taya na nakatayo sa loob ng boos, at habang pinupuno ng kundoktor ang punot dulo ng boos ay nandon lamang kayo sa loob nagsisiksikan na parang mga sardinas. Naghihintay ng mapwepwestuhan, tatapat sa isang aleng naka unipormeng puti at medyo bagong ligo pa. Tapos may sisigaw ng para! Ayan, dyan magsisimula ang larong patintero. dahil sa sobrang kitid ng daan sa loob ng boos, ay iiwasan mo ang malaking mama na palabas na dala dala ang malahiganteng bagahe nya.Bale wala kung presko ka pagpasok sa loob ng boos, dahil paglabas mo dito, lahat kayo magkakaamoy na. Kulang nalang ay may larong habulan gahasa sa loob.

Ang kapatid ng larong ito ay ang laro sa MRT. Isang matinding patintero ang larong ito dahil hindi lamang braso ang gamit mo dito kundi buong katawan mo. Marami na akong nakitang away na nagbubunga dahil sa tulakan at hampasan ng mga braso na hindi naman sinasadya. Ewan ko ba kasi, minsan ako din parang gusto ko na sumali sa kanila. Dito rito ay lagi akong napapasabak - merong isang pagkakataon na ako'y nasa kalagitnaan ng sangkatutak na mga taong nagaabang ng tren sa Quezon Avenue. Pagdating ng tren ay hindi ko man lang nainangat ang aking mga paa ay nasa loob na ako ng tren. Hindi ko alam kung matatawa nalang ako sa karanasan o maiinis sa mga ganitong tulakan.

Kanikanina lang bago ako mag trabaho may isang mama na nasa likod ko. Disente naman ang suot, naka government outfit ika nga. Ngunit ano bayan, ang bigat ng kamay nararamdaman ko sa likod ng bulsa ko. Sabay baba sa sya sa me Shaw Blvd. Biglang may kumalabit sakin at sabi "brad dinukutan ka nung mama" sabay turo sa nagmamadaling mamang disente ang damit. Ako naman humawak sa bulsa ko at ramdam ko naman ang pitaka ko "Buti nalang" naisip ko. Hindi dahil sa mawawalan ako ng pera (dahil wala naman syang perang madudukot sakin) ngunit dahil un nalng ang disente kong pitaka.

Ngunit daig ka pa ng isang taong nadukutan kung nasakay ka sa mga sugapang taxi drivers. Sa mga taxi drivers ang laro nila ay ang hide and seek, dahil mwawala na ang iyong sukli o hindi kaya ang da waiting game dahil naghihintayan kayo kung sino ang may pinakamatigas na mukha (na kahit na 2.50 nalng ang sukli mo ay uupuan mo un ng 10 minuto hanggang magpasya ang taxi driver na suklian ka o vice versa naman na hihintayin ng taxi driver na magpasya kang ibigay nalamang ang 10 piso mo na sukli sa kanya bilang "tip") - at alam ko pa ang style nila, tatanungin ka nila kung asan nga ba ang lugar, at kung nakita nilang hindi mo alam ay papasikutsikutin ka muna sa mga kalye ng kawalan at heto na, P262.50 at sabay kunwaring maghahanap ng panukli sa iyo.

Maramirami narin akong na inkwetrong ibat ibang klaseng laro dito at kada laro ay iba ang patakaran. Patintero sa boos, patintero sa mga motorista, sa mga buwaya sa mga ulupong. Ibat ibang klase ng mga manalalaro at iba't ibang mga diskarte. Iba't ibang sitwasyon sa pang araw araw. Buti nalang hindi ko na nakikita ung dalawang mama na nagususuntukan parati sa me EDSA. Haaaay ang buhay Manila talga, kung patas ka siguradong sa laro nila talo ka.

Post a comment »

  • TOGGLE
    jhastin's avatar posted by jhastin, 3 months ago

    yung laro ni idol ycoy nakita mo na? yung habulan gahasa?

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    chelsea's avatar posted by chelsea, 3 months ago

    ^ speaking of.. where is that guy?

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    jhastin's avatar posted by jhastin, 3 months ago

    ^ uuuuuyyy.... mahilig sya sa repis. hahaha! tanungin mo si estong tutong ganito sila nun e (pinagdidikit dalawang hintuturo). ang mahal naming ycoy... baka binugbog na ng kapitbahay nyang taga NBI. nyahahahah! *gulong tawa*

    0 pats 0 pokes

You need to login to post a comment.

Highfiber 0.0 is a product of syndeo::media. Follow highfiber on Twitter.