Highfiber 0.0

1,295 users, 419 threads, 1,366 photos, 883 videos.

Forums » Newsy Threads » HAY, BUHAY AMERICA TALAGA

abomination's avatar

contributed by abomination, 4 months ago
4 pats 3 pokes 24 comments 592 views

My friend emailed me this.. some of the words he mentioned here are quite true and very likely to happen..

------------------------------------------------------------------------------

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America ..

Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000+.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.

Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad ng America .
Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.

comment ko:
Hindi yung actual living condition sa amerika ang importante sa Pinoy. Ang pinakamahalaga ay makapunta sa fantasyland sapagkat diyan namulat ang nga Pilipino simula pa nung kanilang grade school. Gusto nilang makasakay sa eroplano at mamuhay sa kapaligiran ng snow, hamon, keso, mansanas, ubas at maipakita sa mga pinoy sa Pilipinas na naabot na niya ang paraisong nagbibigay ng credit. Hindi masamang mangarap pero hanggang dito na lang yata ang pangarap ng mga Pilipino.

Kung tutuusin, sino nga ba ang gustong maiwan sa Pilipinas sa mga kurakot na officials? Hirap ka na sa trabaho, wala ka pang pambili ng Oakley, pizza at iPod.

Post a comment »

  • TOGGLE
    Tulisan's avatar posted by Tulisan, 4 months ago

    i guess we just have to deal with it. but don't let go of the dream no matter what. in life i realized, that we don't expect for things to happen, we accept for what is bound to happen. mahirap, pero masaya diba.

    0 pats 2 pokes
  • TOGGLE
    letsugas's avatar posted by letsugas, 4 months ago

    $ 6.50 para sa sigarilyo? putang ina!

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    spitsmaster's avatar posted by spitsmaster, 4 months ago

    ^walang tingi dito. hahahaha! if you want to smoke just one, you'll have to buy the whole pack. or bum one off someone else.

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    linuxbastard's avatar posted by linuxbastard, 4 months ago

    unang una, medyo ramdam ko yung mga sinabi mo. bagama't hindi ako naka rating sa amerika, naranasan ko na rin mangibang bansa kung saan nakakagulat pag iisipin mo ang katumbas na perang ginagastos mo kung nasa Pilipinas ka. Mayroon akong naging kaibigan na walang ginawa kundi kuwentahin ang ginastos niya roon kumpara sa kaparehong mga bilihin kung sa Pilipinas niya binili.

    Pero di ba yun nga ang punto dun? Umaalis tayo dito sa Pinas kasi bagamat pareho ang trabaho mas ramdam ang kita sa ibang bansa? Uu nga't mas magastos pero naisip ko rin, nangibang bansa ako nun nang walang pangamba dahil alam kong ang kikitain ko ay higit pa sa magagastos ko.

    Nagulat ako nang tinukoy mong 10 oras mong kikitain ang $70. Hindi ko alam kung anong klase ang trabaho mo pero masasabi kong mali ang pinili mong pasukin kung ganoon lang ang yung kinikita.

    Pananaw ko na dun madalas nagkakamali ng akala ang mga taong pumupunta sa Amerika. Inaakala nila na kahit anong trabaho ang kanilang makuha basta nakarating sila dun ay uunlad sila. At ang nakaka gimbal ay marami pa ring mga kababayan natin ang gumagastos ng napakalaki para lang makarating sa Amerika at lalong malubog sa utang.

    Hindi naman pangkalahatan ang ganoong pangyayari pero mas madalas kesa hindi.

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    joriben's avatar posted by joriben, 4 months ago

    Kaya suwerte yung nasa Pilipinas ka tapos Foreign based ang company na pinapasukan mo. Wala nang tax, dollars pa suweldo mo.

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    haringkopas's avatar posted by haringkopas, 4 months ago

    tang ina, panay reklamo.

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    spitsmaster's avatar posted by spitsmaster, 4 months ago

    ^Chapter 2 please...

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    xmlwiz2k's avatar posted by xmlwiz2k, 4 months ago

    You earn dollars, but spend dollars as well..

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    seth's avatar posted by seth, 4 months ago

    most probably,your friend works as a floor scrubber.

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    abomination's avatar posted by abomination, 4 months ago

    yeah.. better to earn something than nothing.. right..

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    devilhimself's avatar posted by devilhimself, 4 months ago

    PhP40 isang pack ng sigarilyo, kinikita mo PhP2,500 isang buwan... $6.50 isang pack ng sigarilyo, kinikita mo $1,500 isang buwan... sa maikling salita, ano ba tlaga ang halaga ng pera na meron ka at kung saan ka? Dito sa pinas, 5 taon din ang brang new car at 30 taon din ang bahay (thru pag-ibig), kung tutuusin pareho lang diba pero ang tanong anong quality ang kaya mong maafford kung nandyan ka o nandito ka... buying power ang dapat pag tuunan kahit sang bansa ka pupunta may gastos at di ka uunlad pag di ka nagsikap at di ka nangarap...

    kaya na rin maraming tao na umalis ng pinas at pinili na magtrabaho dahil gusto nila inaangat ang kanilang kakayahan lalo na sa laranggan ng pera...

    at alam ko, ang mga taong tingin sayo milyonaryo pag sa ibang bansa ka nagtatrabaho o nakatira e yung mga taong walang alam... yung mga taong tamad dito sa pinas... kaya ganun pananaw nila kasi di nila naiintindihan....

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    minor's avatar posted by minor, 4 months ago

    agree with joribien

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    kibitzer's avatar posted by kibitzer, 4 months ago

    Cost of living expenses in developed countries are ridiculously high.

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    kibitzer's avatar posted by kibitzer, 4 months ago

    Cost of living expenses in developed countries are ridiculously high.

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    arteo's avatar posted by arteo, 4 months ago

    pats pats pats.... maykakampi pala ako dito???

    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

    pwede bang mag comment? Kung hindi pwede, mag cocomment pa rin ako.

    Mas maganda ang kalalabasan if WE MAKE THINGS HAPPEN! Sabi nga , we are the producer, writer and director of our life. We are the Michaelangelo of our life.

    Life is not designed to give you want you want. It is designed to give you what you deserved. Bakit ba tayo nag-aaral? Sabi ng nanay ko, "mga anak, mag-aral kayong mabuti, kumuha ng magandang grado, maka graduate at makakuha ng magandang trabaho." Pero pero hindi naman sinabi na magkakaroon ng magandang sweldo.

    Read this line, Opportunity is NoWHERE!

    again, again again......

    Opportunity is NowHere! Nakita ninyo ang pag kaka-iba? Opportunity is everywhere. Huwag tayo matakot mangarap. Hindi masama ang mangarap.
    Dahil, sa pangarap nag-uumpisa ang lahat. Noon una, imposible daw na mapalipad ang eroplano. Pero hindi nawalan ng pag-asa ang Wright brothers.

    Tapos, pag nag-post ka ng something weird about dreams, "Ay kornie! Nonsense... At hindi papansinin."

    Sa lahat ng establishments nakikita ko ito : VISION, MISSION, GOAL. Meron din ba tayo para sa mga sarili natin?

    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

    POKE POKE POKE

    0 pats 4 pokes
  • TOGGLE
    chelsea's avatar posted by chelsea, 4 months ago

    & its not about us saying na corny ang post mo. mapipigilan mo ba ang iba if thats what they think of you? pag nagpost ka ba kelangan we always have to agree with you???

    you know why most people keep going back here? its because we have the freedom to say whatever we want to say, and that would be good or bad. so as someone posting, you should be prepared to accept anything, hindi yung puro praises lang.

    4 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    abomination's avatar posted by abomination, 4 months ago

    nice chelsea! i totally agree..

    1 pat 0 pokes
  • TOGGLE
    arteo's avatar posted by arteo, 4 months ago

    i am not asking for praises... Its just that hindi ko lang maintindihan.... Alam na natin na yun ang sitwasyon, pero bakit hindi yun ang ipamulat natin sa mga kasunod natin. I knew a nurse working abroad, gumastos ng malaki sa anak niyang nag-debut. Pero wala siya sa celebration. Natuwa yung anak kasi "bongga". tsk!

    "Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan. "

    I not telling you to agree me... I am telling you to look at the reality, and look beyond the reality. And tell the nation the reality and talk about it para hindi mangyari sa mga kasunod natin.

    Sabi nga doon sa isang kanta, "May mga taong pikit, kahit dilat ang mata", "Ang sarap mabuhay lalo na kung alam mo kung saan ka pupunta."

    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

    0 pats 1 poke
  • TOGGLE
    chelsea's avatar posted by chelsea, 4 months ago

    well thats the thing, you cant make other people think the way you think. you can only go as far as sharing your views, other than that, the decision is left to that person. i know at times its crazy how some people behave, but thats their life. you cant always meddle on people's lives no matter how noble your cause is.

    2 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    SANDMAN's avatar posted by SANDMAN, 4 months ago

    arteo:

    you are not the first organism that tried to bring "warm sunshine" here in highfiber with your "wise words."

    and definitely you are not that organism that could change us with your "wise words."

    so take your "warm sunshine" and shoove it deep into your ass where the sun don't shine.

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    abomination's avatar posted by abomination, 4 months ago

    w0w sandman talks to arteo as if he was a bacteria..LOLS

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    someone posted by someone, 4 months ago

    Just take life as it is, wala naman mangyayari kung mabwibwisit ka lang sa buhay mo lagi lalo ka lang mapapagod...

    As I see it ang pinagkaiba ng U.S. sa pinas is yung gobyerno... mas matino yung sistema ng ibang bansa

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    letsugas's avatar posted by letsugas, 4 months ago

    sandman that was harsh..

    0 pats 0 pokes
  • TOGGLE
    POi_of_the_dead's avatar posted by POi_of_the_dead, 4 months ago

    people there are working 8 jobs and still find themselves buried in debts...

    0 pats 0 pokes

You need to login to post a comment.

Highfiber 0.0 is a product of syndeo::media. Follow highfiber on Twitter.